Pananatiling sarado ng mga sinehan, arcades napagkasunduan ng Metro Manila mayors

By Erwin Aguilon March 07, 2021 - 01:57 PM

 

Nanindigan ang Metro Manila mayors na huwag munang hayaang buksan ang mga sinehan at arcades dahil sa patuloy pa ring pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Ayon kay MMDA Chairman Benhus Abalos, ito ang lumabas sa naging pulong ng mga alkalde sa Kalakhang Maynila.

Sabi ni Abalos, sa ngayon ay inihahanda na ang resolusyon para dito.

Nauna rito, sinabi ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na hindi pa rin sila payag na magbukas ang mga sinehan at arcades sa Metro Manila.

Saad ni Teodoro, “The consensus is that we should take precautionary measures including closing cinemas.”

Sa pahayag ng Department of Trade and Industry, sinabi nito na simula sa March 5 ay papayagan nang magbukas ang mga sinehanan at mga arcades sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.

TAGS: arcades, GCQ, Mayor Marcelino Teodoro, Metro Manila mayors, MMDA chairman Benhur Abalos, sinehan, arcades, GCQ, Mayor Marcelino Teodoro, Metro Manila mayors, MMDA chairman Benhur Abalos, sinehan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.