Early voting para sa senior citizens at PWDs tuwing eleksyon, itinutulak sa Kamara

By Erwin Aguilon March 07, 2021 - 01:45 PM

Isinusulong ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo na pabotohin ng mas maaga ang mga senior citizen at persons with disability (PWDs) tuwing eleksyon simula sa May 2022 elections.

Sa inihaing House Bill 8756, sinabi ni Castelo na mas mainam nang ipagpalagay na meron pa ring pandemya pagsapit ng halalan kaya dapat gumawa na ng hakbang ang Kongreso at ang Commission on Elections para matulungan ang mga otoridad na mapigilan ang pagkalat ng Covid-19 sa mga botante.

Isa anya sa maaring gawin ay payagan ang early voting ng mga nakatatanda at PWDs dahil kabilang sila sa vulnerable sectors.

Ayon sa kongresista, dapat bigyan ng pagkakataong makaboto ang mga ito nang hindi mako-kompromiso ang kanilang kalusugan at kaligtasan dahil kung hindi ay baka ilang libo ang hindi na lang bumoto dahil sa takot na mahawa ng virus.

Sa ilalim ng panukala, magsasagawa ang Comelec ng early voting para sa senior citizens at PWDs sa pre-designated venues sa loob ng 7 working days bago ang halalan.

Hiniling ng mambabatas ang agarang aksyon sa kanyang bill lalo’t abala na ang poll body sa preparasyon para sa susunod na eleksyon.

 

 

TAGS: 2022 elections, Kamara, pwd, Rep. Precious Castelo, senior citizen, 2022 elections, Kamara, pwd, Rep. Precious Castelo, senior citizen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.