Mabilis na pagtaas ng mga bilihin nakababahala na – Rep. Salceda
Ikinabahala ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ayon kay Salceda, na isa ring ekonomista, hindi na maari sa ngayon ang monetary o regulatory controls.
“Inflation is accelerating to a level that is alarming. The controls that will work will be neither monetary nor regulatory,” sabi ni Salceda.
Sabi ng mambabatas, kailangang matugunan kaagad ang kakulangan ng supply sa karne ng baboy.
Paliwanag nito, kapag ang problema ay food supply, ramdam sa ibang produkto ang epekto nito dahil ang pagkain ang siyang “most basic input” sa labor.
Giit nito, “The most is important price issue now is we do not have enough pork. When the problem is food supply, it tends to cascade to other products because food is the most basic input to labor, and labor as in input to everything else.”
Pahayag ito ng ekonomistang mambabatas kasunod ng pagpalo sa 4.7 percent ang year-on-year February inflation ng bansa kung saan ang itinuturong dahilan ay ang mga nagdaang bagyo, pagbaba ng supply ng karne ng baboy dahil sa African Swine Fever (ASF) at mataas na presyo ng langis.
Noong nakaraang buwan, sinabi ni Agriculture Sec. William Dar na hinihintay pa nilang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang rekomendasyon na itaas sa 404,210 metric tons (MT) ang kasalukuyang 54,000 MT na minimum access volume sa karne ng baboy para masolusyunan ang problema sa supply, na nagresulta naman sa pagsirit ng presyo ng naturang produkto.
Sa panig naman ng Kamara, sinabi ni Salceda na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Bureau of Customs upang matiyak na mabilis at ligtas ang pag-aangkat ng karne ng baboy.
Gayunman, sinabi ng mambabatas na kakaunti lamang ang ibababa ng consumer prices sa pag-aangkat at patuloy namang maapektuhan ang farmgate price sa pangmatagalan.
Dahil dito, dapat anyang mag-invest aniya ang pamahalaan sa agricultural inputs, katulad ng sa feeds para maiwasan na rin ang swill feeding ng mga hog raisers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.