Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa uulanin dulot sa easterlies

Apektado ng umiiral na easterlies ang eastern section ng bansa.

Ayon sa PAGASA, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan ngayong araw.

Ito ayon sa weather bureau ay dahil sa easterlies at localized thurderstorm.

Maaring magkaroon ng mga pagguho ng lupa at pagbaha sa mga nabanggit na lugar kapag nagkaroon ng matinding thunderstorm.

Ang araw ay sumikat 6:09 ng umaga at inaasahang lulubog 6:05 mamayang gabi.

Read more...