Rollout ng AstraZeneca Covid 19 vaccine sa Cardinal Santos hospital isinagawa

Pinangunahan ni Health Secretary Francisco Duque III ang rollout ng AstraZeneca Covid 19 vaccine  sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Mismong si Duque ang nagturok ng bakuna kay CSMC senior vice president at chief medical officer Dr. Zenaida Javier-Uy.

Nabatid na 500 doses ng AstraZeneca at 1,300 doses ng Sinovac ang ibinigay ng pamahalaan sa Cardinal Santos Medical Center.

Mahigit 400 na healthcare workers na ang nabakunahan sa naturang ospital.

Read more...