Archbishop Florentino Lavarias gumaling na sa sakit na Covid 19
(Courtesy: CBCP News)
Nakarekober na sa sakit na Covid 19 si Archbishop Florentino Lavarias, ang arsobispo ng Dioecese ng San Fernando, Pampanga.
Ayon sa ulat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, nakalabas na ng ospital ang 64 anyos na arsobispo.
Naospital si Arcbishop Lavarias noong Pebrero 27 matapos magpakita ng sintomas ng COvid 19.
Ayon kay Archbishop Lavarias, itutuloy niya ang quarantine sa kanyang bahay.
Pinasasalamatan ng arsobispo ang mga doktor at iba pang hospital workers na nag-alaga sa kanya gayundin ang mga nanalangin para sa kanyang agarang paggaling.
“May God share with you all the graces and blessings that He continues to shower upon me at this very moment,” pahayag ng arsobispo.
Una nang gumaling sa Covid 19 sina Manila Bishop Broderick Pabillo, Cebu Archbishop Jose Palma at retired Auxiliary Bishop Antonio Rañola.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.