13,000 katao nabakunahan na kontra Covid 19

Manila PIO photo

Mahigit 13,000 indibidwal na ang naturukan ng bakuna kontra Covid 19.

Ayon kay Health Spokesperson Undersecretary Rosario Vergeire, sa naturang bilang, 61 ang nakaranas ng adverse events.

isinagawa ang pagbabakuna sa 39 na vaccination sitees.

Ayon kay Vergeire, 700 ang nagpabakuna sa unang araw ng vaccination program subalit biglang tumaas ng 3,000 hanggang 4,000 matapos ang dalawang araw.

Umaasa si Vergeire na lalo pang tataas ang bilang ng mga magpapabakuna sa mga susunod na araw lalo’t dumating na sa bansa ang AstraZeneca.

 

Read more...