38,400 doses ng AstraZeneca vaccine, darating sa Marso 7
Darating na bukas, MArso 7 ang dagdag na 38,400 doses na bakuna kontra Covid 19 na gawa ng AstraZeneca.
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., 7:00 ng gabi bukas darating ang mga dagdag na bakuna.
Matatandaan na noong Huwebes lamang, Marso 4, dumating sa bansa ang 487,200 doses ng AstraZeneca vaccine.
Ayon kay Galvez, una nang nangako ang World Health Organization na magbibigay ang COVAX Facility ng 525,600 doses ng AstraZeneca vaccine sa Pilipinas.
Pinangunahan ni Galvez ngayong araw ang roll out ng AstraZeneca vaccine sa Paranaque Hospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.