Senador Bong Go hindi tatakbong pangulo ng bansa

By Chona Yu March 06, 2021 - 09:17 AM

Walang balak si Senador Bong Go na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa darating na 2022 presidential elections.

Pahayag ito ni Go matapos ipakilala kahapon, Marso 5 ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Cagayan de Oro bilang “President Bong.”

Ayon kay Go, masyado pang maaga para pag-usapan ngayon ang pulitika.

Nakatutok aniya siya ngayon sa pagtugon sa Covid 19.

“I am very grateful for the trust given to me by the President. Salamat po sa tiwala pero hindi po ako interesado. Ang focus ko, mula noon hanggang ngayon, ay ang magserbisyo sa kapwa kong Pilipino. Meron pa tayong pandemyang hinaharap kung saan hirap na hirap na ang mga kababayan natin. Kaya unahin muna natin ang pagsilbi sa bayan at pagtulong sa kapwa,” pahayag ni Go.

“Pagdating sa usaping pulitika, please count me out. Dahil kung hindi natin malampasan ang krisis na ito, wala na tayong pulitika na pag-uusapan pa,” pahayag ni Go.

 

TAGS: 2022 Presidential elections, bong go, COVID-19, Rodrigo Duterte, 2022 Presidential elections, bong go, COVID-19, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.