P20 milyong halaga ng proyekto sa mga barangay na wala ng NPA ipinamahagi ni Pangulong Duterte

Photo grab from PCOO Facebook video

Sinimulan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamimigay ng P20 milyong halaga ng mga proyekto sa mga barangay na wala ng miyembro ng New People’s Army.

Nagtungo ang Pangulo sa Cagayan de Oro kahapon para dumalo sa pagpupulong ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Nabatid na 822 na barangay sa buong bansa ang dating nasa impluwensya ng NPA pero ngayon ay nalinis na.

Makatatanggap ang mga barangay ng mga proyekto gaya ng farm-to-market roads, health station, irigasyon, classrooms, water system at iba pa.

 

 

Read more...