PHLPost, nagbabala sa publiko laban sa e-mail scam

By Angellic Jordan March 05, 2021 - 05:28 PM

Nagbigay ng babala sa publiko ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) ukol sa mga kumakalat na e-mail scam.

“Huwag basta-basta maniniwala sa mga e-mail, text o social media messages na nagsasabing sila ay mayroong parsela o sulat na dapat kunin sa post office na may kaukulang bayad,” saad nito.

Sinabi ng tanggapan na may mga napaulat na may gumagamit ng pangalan para makapangloko sa sinumang mabibiktima ng naturang modus.

Payo ng PHLPost, alamin muna kung may tracking o parcel number at beripikahin sa PHLPost Customer Service numbers na 8527-0111 at 827-0107.

Maaari ring magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/phlpost.

TAGS: email scam, Inquirer News, PHLPost, Radyo Inquirer news, email scam, Inquirer News, PHLPost, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.