27 pang overseas Filipino, nasawi dahil sa COVID-19
Nasa 27 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang March 5, nanatili sa 15,079 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 87 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 4,520 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
13 naman ang bagong gumaling kung kaya 9,526 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Wala namang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,033 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 8,131 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,126 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 886 naman ang kaso sa Americas at 2,936 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.