COVID-19 vaccines na gawa ng Pfizer, darating na sa Pilipinas sa susunod na linggo

Reuters photo

Darating na rin sa bansa sa mga susunod na linggo ang bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Pfizer ng Amerika.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez na may darating na mga bakuna mula sa Pfizer pero maaring ma-delay lamang.

Ang kawalan ng indemnity agreement ang dahilan ng pagkaantala ng mga bakuna ng Pfizer.

Tiniyak naman ni Romualdez na hindi naman nahuhuli ang Pilipinas sa pagkuha ng mga bakuna kontra COVID-19.

Read more...