Suplay ng karne ng baboy, kakapusin sa buong taon – DA

By Jan Escosio March 05, 2021 - 03:00 PM

Inamin ng Department of Agriculture (DA) na kakapusin ang produksyon ng baboy sa buong taon kayat hindi ganap na matutugunan ang magiging pangangailangan sa karne ng baboy.

“Hindi po natin maihahabol yung production ngayon. Within the year hindi kayang punuan yung kakulangan sa baboy,” sabi ni Asec. Noel Reyes, tagapagsalita din ng kagawaran.

Noong nakaraang buwan, inirekomenda na ng Miimum Access Volume (MAV) Advisory Council na madagdagan ng 400,000 metriko tonelada ang aangkatin na karne ng baboy para maibsan ang kakulangan ng suplay.

Umaabot na sa 442,402 baboy ang pinatay para mapigilan ang pagkalat pa ng African Swine Fever (ASF) at karamihan sa mga ito ay sa poultry farms sa Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija.

Ibinahagi naman ni National Livestock Program Dir. Ruth Miclat-Sonaco umabot sa 388,000 “breeders”, o inahin baboy ang ipinagbili sa merkado para hindi mawalan ng karne ng baboy.

Paliwanag niya, ang bawat breeder ay katumbas ng 10 o hanggang 20 baboy kayat aniya kailangan na mabawi ang inaaasahan dapat na tatlo hanggang anim na milyong baboy.

Inilunsad na ang Integrated National Swine Production Iniatives for Recovery and Expansion o INSPIRE na may kabuuang target na hanggang 30 milyong baboy mula sa taong 2021 hanggang 2023.

TAGS: African Swine Fever, ASF, DA, Inquirer News, pork products, prok products 2021, Radyo Inquirer news, suplay ng baboy, African Swine Fever, ASF, DA, Inquirer News, pork products, prok products 2021, Radyo Inquirer news, suplay ng baboy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.