Mga taong may diabetes sa buong mundo, halos kalahating milyon na-WHO
Simula 1980 hanggang sa kasalukuyan, nakapagtala apat na beses na pagdami sa kaso ng diabetes sa buong mundo.
Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO) nasa 422 million na adults na ang tinamaan ng nasabing sakit at kabilang sa mga ugat nito ay ang pagdami din ng mga overweight at obese.
Sa paggunita ngayong araw ng World Health Day, nakasentro ang WHO sa mga hakbang para maiwasan at magamot ang diabetes.
Kabilang dito ang pananawagan sa publiko na maging physically active, kumain ng masustansyang pagkain at iwasang maging overweight.
Naglunsad din ng information campaign ang WHO hinggil sa kung paano masusugpo ang diabetes, gamit ag kanilang social media accounts.
People living with #diabetes type 1 need daily administration of insulin https://t.co/cY2BdSdqTc pic.twitter.com/8BmZGnMfzl
— WHO (@WHO) April 6, 2016
Batay sa “Global report on diabetes” ng WHO, noong 2014, 422 million adults na o 8.5% ng populasyon ang mayroong diabetes, kumpara sa 108 million lamang noong 1980.
Pinaalala din ng WHO na ang diabetes ay maaring magkaroon ng mga kumplikasyon at maaring mauwi sa heart attack, stroke, pagkabulag, kidney failure at lower limb amputation.
Noong taong 2012, nakapagtala na ng 1.5 million na nasawi dahil sa sakit na diabetes.
Ayon sa WHO, ang tatlong uri ng diabetes ay ang type 1, type 2 at gestational diabetes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.