Medical, health frontliners makakapili na ng gusto nilang bakuna – Sen. Go
By: Jan Escosio
- 4 years ago
Sa pagdating ng AstraZeneca vaccines, Filipinos, may pagpipilian na ang frontliners sa bakuna na nais nilang maiturok sa kanila.
Ito ang sinabi ni Sen. Christopher “Bong” Go dahil aniya nangunguna pa rin ang medical at health frontliners sa mga prayoridad na mabakunahan ng pangontra laban sa COVID 19.
“Yung frontliners natin, bigyan natin sila ng the best — kung ano po ‘yung gusto nila. Sila po isinabak natin sa gyerang ito, bigyan natin what is due to them — kung ano pong armas na dapat nilang bitbitin sa gyera kontra COVID-19,” sabi ng senador.
Kasabay nito ang pagdidiin niya na kailangan pang pagtibayin ang kumpiyansa ng publiko sa mga bakuna para ganap na matapos na ang pandemya.
“Sana po ay tuloy-tuloy na po ang pagro-rollout ng pagbabakuna at dapat nating kunin ang kumpyansa ng mamamayan na ang tanging solusyon, ang tanging susi ay ang bakuna lamang para unti-unti na tayong makabalik sa normal nating pamumuhay,” aniya.
Samantala, ibinahagi ni Go na nalulugod naman si Pangulong Duterte sa itinatakbo ng national vaccination program.
“Very satisfied naman po ang ating Pangulo sa naging resulta po ng vaccination rollout kahapon po at nag-umpisa na pong bakunahan ang mga nag-boluntaryong health workers natin para po sila ay protektado dito sa sakit na COVID-19,” ang pagbabahagi pa ng senador.