Sen. Leila de Lima kontra sa panukalang amyendahan ang Drugs Act
By Jan Escosio March 05, 2021 - 10:13 AM
Delikado na malabag ang mga karapatang-pantao.
Ito ang sinabi ni Sen. Leila de Lima kaugnay sa House Bill No. 7814, na layon amyendahan ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Paliwanag ng senadora, nakasaad sa panukala na maaring isakdal ng korte ang akusado kahit walang ebidensiya.
“ For example, under Section 3, anyone spotted in the place where the sale, trading, marketing, dispensation, and delivery or distribution of drugs happen is presumed to be involved in these illegal operations “unless proven otherwise,” sabi ng senadora.
Aniya ang tinatawag na legal presumptions ay para sa pagpapabilis ng pagdinig at ang bigat sa pagpiprisinta ng ebidensiya ay malilipat na sa balikat ng akusado o panig ng depensa.
“While it is very useful in civil cases, mandatory presumptions have no place in criminal law. The primordial presumption that governs all others when it comes to criminal law is the presumption of innocence. Anything contrary to that is unjust, invalid and unconstitutional,” dagdag paliwanag pa nito.
Diin pa niya, sa ilalim ng ating Saligang Batas, trabaho ng prosecution na magpakita ng ebidensya na gumawa ng krimen ang isang akusado. Hindi ang akusado ang kailangan magpatunay na siya ay inosente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.