Davao del Sur, niyanig ng magnitude 4 na lindol
Tumama ang magnitude 4 na lindol sa Magsaysay, Davao del Sur.
Sinabi ng Phivolcs na namataan ang episentro ng lindol sa layong 4 kilometers Southeast ng naturang bayan dakong 10:36, Huwebes ng gabi.
May lalim ang lindol na 17 kilometers at tectonic ang origin.
Dahil dito, naitala ang mga sumusunod na intensities:
Intensity 3 – Magsaysay, Davao del Sur
Intensity 2 – Kidapawan City at Bansalan, Davao del Sur
Instrumental intensities naman ang naramdaman sa mga sumusunod na lugar:
Intensity 3 – Kidapawan City
Intensity 2 – Koronadal City at Malungon, Sarangani
Intensity 1 – General Santos City at Alabel, Sarangani
Ayon sa ahensya, ito ay aftershock ng tumamang magnitude 6.1 na lindol sa naturang bayan noong February 7, 2021.
Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.