Pagbebenta ng alcoholic beverages, pwede na sa Dagupan
By Angellic Jordan March 04, 2021 - 09:26 PM
Pinayagan na ng Daguan City government ang pagbebenta at pag-inom ng mga nakalalasing na inumin.
Ayon sa Dagupan City government Public Information Office, ito ay batay sa inilabas na Executive Order No. 8, series of 2021 ni Mayor Marc Brian Lim.
Ngunit, nakapaloob sa EO na hindi pa rin pwede ang pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar at establisyimento.
Sa datos hanggang 9:00, Miyerkules ng gabi (March 3), nasa 18 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Dagupan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.