BREAKING: Halos 500,000 COVID-19 vaccines na gawa ng AstraZeneca, dumating na sa Pilipinas

Photo credit: National Task Force Against COVID-19/Twitter

Dumating na sa Pilipinas ang halos 500,000 doses ng bakuna laban sa COVID-19 na gawa ng AstraZeneca, Huwebes ng gabi.

Lumapag ang eroplano ng KLM Royal Dutch Airlines na may dala ng kabuuang 487,200 doses ng AstraZeneca vaccines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pasado 7:00 ng gabi.

Ang dumating na bakuna na gawa ng British-Swedish multinational pharmaceutical company ay mula sa COVAX facility.

Nakatakdang salubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte, kasama ang ilang opisyal ng gobyerno, ang mga bakuna sa Villamore Air Base sa Pasay City.

Ito ang ikalawang batch ng COVID-19 vaccines na dumating sa bansa.

Photo credit: National Task Force Against COVID-19/Twitter
Read more...