China, magdo-donate sa Pilipinas ng dagdag na 400,000 doses ng COVID-19 vaccine

By Angellic Jordan March 04, 2021 - 07:16 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdo-donate sa Pilipinas ang China ng karagdagang 400,000 doses ng bakuna laban sa COVID-19.

Inanunsiyo ito ng Pangulo sa kaniyang talumpati sa inagurasyon ng bagong school buildings sa Lawang Bato National High School at Canumay East National High School sa Valenzuela City, araw ng Huwebes.

“China would give us another 400,000, making their donation to this country, 1 million,” pahayag ni Duterte.

Hindi naman sinabi ng Punong Ehekutibo kung anong tatak ng bakuna ang ido-donate ng China.

Sinabi pa ng Pangulo na nais niyang maturukan ng bakuna na gawa ng Sinopharm.

“Hindi ako masyado ma-ano diyan sa mga produkto ng puti,” ani Duterte.

Noong February 28, 2020 dumating sa Pilipinas ang unang batch ng 600,000 doses ng COVID-19 vaccines na gawa ng Sinovac.

TAGS: AstraZeneca, covid 19 vaccine, COVID-19 vaccination, COVID-19 vaccine donation, Inquirer News, President Duterte on COVID-19 vaccine, Radyo Inquirer news, Sinopharm, Sinovac, Tagalog breaking news, AstraZeneca, covid 19 vaccine, COVID-19 vaccination, COVID-19 vaccine donation, Inquirer News, President Duterte on COVID-19 vaccine, Radyo Inquirer news, Sinopharm, Sinovac, Tagalog breaking news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.