Magnitude 4 na lindol, tumama sa Cagayan; Intensities, naitala sa Ilocos Norte

Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang Cagayan.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 27 kilometers Northwest ng Calayan dakong 5:57 ng hapon.

15 kilometers ang lalim nito at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naramdaman ang intensity 2 sa Pasuquin, Ilocos Morte at instrumental intensity 2 sa kaparehong bayan.

Wala namang naidulot na pinsala at aftershocks ang lindol sa naturang bayan.

Read more...