Ipinauubaya ni dating Speaker Alan Peter Cayetano sa mga awtoridad ang imbestigasyon sa pagpapabakuna ni House Committeee on Health Chairperson Angelina Helen Tan.
Ito, ayon kay Cayetano, ay hindi naman niya alam ang buong nangyari.
Pero dapat aniyang magpaliwanag dito si Tan na isa ring doktor.
Gayunman, umaasa ito na maging masusi ang isasagawang imbestigasyon.
Siinabi rin nito na simula nang pumutok ang isyu ng COVID-19 ay marami na ang nagrereklamo at sinabing VIP ang mga pulitiko.
Iginiit nito na dapat ay walang maging VIP para sa bakuna sa COVID-19.
Sa isyu naman ng pagpapabakuna ng mga kalihim, sabi ni Cayetano na marapat lamang lalo na kung lagi ang mga itong nasa field.
Inihalimbawa ng dating lider ng Kamara ang dalawang ulit na pagkakaroon ng COVID-19 ni DILG Secretary Eduardo Año na dapat aniya ay hindi nangyari kung may bakuna na noon pa.