Pag-angkat ng galunggong, ipag-uutos ng Palasyo kung patuloy na kakapusin sa suplay
Hindi mag-aatubili ang Palasyo ng Malakanyang na ipag-utos ang pag-aangkat ng galunggong kung patuloy na kakapusin ang suplay at sisirit ang presyo sa merkado.
Pahayag ito ng Palasyo matapos pumalo sa P280 kada kilo ang presyo ng galunggong.
Ayon kay Presidential Spokesman harry Roque, normal lamang na kaunti ang huli ng mga mangingisda dahil panahon ng taglamig.
Pero ayon kay Roque, inaasahan na dadami na rin ang huli ng mga mangingisda sa mga susunod na araw dahil papasok na ang panahon ng tag-init.
Matatandaang humihirit sa malakanyang ang ilang grupo na magtakda ng price ceiling para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng galunggong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.