Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (March 4), umabot na sa 584,667 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 37,226 o 6.4 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,452 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
90.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.9 porsyento ang asymptomatic; 0.81 porsyento ang moderate; 2.1 porsyento ang severe habang 2.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 15 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 12,404 o 2.12 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 266 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 535,037 o 91.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.