Pagiging frontliner, iginiit ni Rep. Helen Tan kaugnay sa pagpapabakuna kontra COVID-19
Walang nakikitang rason si Quezon Rep. Angelina Helen Tan para imbestigahan siya sa ginawang pagpapabakuna kontra COVID-19.
Katuwiran ni Tan, chairperson ng House Committee on Health, sa kabila ng pagiging mambabatas ay isa rin siyang doktor.
Parte aniya ng kanyang regular rounds kada linggo ay ang magbigay ng libreng konsultasyon sa mga maysakit.
Tumanggap ang kongresista ng bakuna ng Sinovac bilang dependent ng anak na doktor sa Veterans Memorial Medical Center.
Pero iginiit nito na ang kanyang pagpapaturok ay hindi lang dahil sa pagiging ina ng frontliner kundi dahil maging siya ay isa ring frontliner.
Reaksyon ito ni Tan sa planong imbestigasyon ng Department of Health at ni National Task Force against COVID-19 (NTF) chief implementer at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. sa ilang indibidwal na hindi umano sumunod sa prioritization ng healthcare workers sa COVID-19 vaccination roll-out.
Una nang sinabi ng mambabatas na nagpabakuna siya bilang suporta rin sa vaccination program ng pamahalaan at para
makatulong na mapataas ang kumpiyansa ng publiko sa COVID-19 vaccines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.