Mga manggagawa, hindi pipilitin ni Pangulong Duterte na magpabakuna vs COVID-19

By Chona Yu March 04, 2021 - 03:04 PM

PCOO photo

Hindi pipilitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga manggagawa na magpabakuna kontra COVID-19.

Pahayag ito ng Palasyo sa gitna ng polisiya ng ilang pribadong kompanya na ‘no vaccination, no work policy.’

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexie Nograles, walang pilitan para kay Pangulong Duterte.

Bagama’t hinihimok aniya ng Pangulo ang publiko na magpabakuna, tinatanggap ng buong kalooban ng Punong Ehekutibo ang pag-aalinlangan ng publiko.

Sinabi pa ni Nograles na hindi ipipilit ng Pangulo ang pagbabakuna.

Gayunman, sinabi ni Nograles na base sa nakikita, tumatataas ang kumpiyansa ng publiko sa pagpapabakuna.

TAGS: COVID-19 vaccination, Inquirer News, President Duterte on vaccination, Radyo Inquirer news, Sec. Karlo Nograles, vaccination roll out, COVID-19 vaccination, Inquirer News, President Duterte on vaccination, Radyo Inquirer news, Sec. Karlo Nograles, vaccination roll out

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.