Operasyon ng LRT-2 East Extension program, target simulan sa April 2021

By Angellic Jordan March 04, 2021 - 02:46 PM

Target na simulan ang operasyon ng dalawang bagong istasyon ng LRT-2 East Extension Project sa April 27, 2021, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Magkakaroon ng soft opening ang Marikina Station (sa harap ng Sta. Lucia mall at Robinsons) at Antipolo Station (sa harap ng SM Masinag) sa April 26, 2021, at agad sisimulan ang operasyon sa susunod na araw.

Hanggang January 31, 2021, iniulat ng LRTA na ang LRT-2 East Extension Project ay 93.42 porsyento nang kumpleto.

Maseserbisyuhan ng dalawang bagong istasyon ang mga commuter mula sa Recto, Manila patungong Masinag, Antipolo, at pabalik.

Tinatayang aabot ng 40 minuto ang travel time mula Recto hanggang Masinag.

Oras na makumpleto, kayang ma-accommodate ng LRT-2 East Extension ang dagdag na 80,000 pasahero kada araw.

TAGS: dotr, Inquirer News, LRT-2 East Extension Project, Radyo Inquirer news, dotr, Inquirer News, LRT-2 East Extension Project, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.