1 sundalo patay, 1 sugatan sa bakbakan sa Occidental Mindoro

By Kathleen Betina Aenlle April 07, 2016 - 04:33 AM

 

Mula sa Wikipedia

Isang sundalo na ang nasawi habang isa pa ang nasugatan dahil sa bakbakan sa pagitan ng mga pwersa ng pamahalaan at mga komunistang rebelde sa bayan ng Paluan, Occidental Mindoro.

Ayon kay Southern Luzon Command (SOLCOM) spokesperson Lt. Col. Angelo Guzman, isang unit mula sa Philippine Army 67th Infantry Battalion ang naka-engkwentro ng hindi natukoy na bilang ng mga rebeldeng New People’s Army, dakong alas-7:15 ng umaga ng Miyerkules.

Hindi muna ibinunyag ni Guzman ang pangalan ng nasawi at nasugatang mga sundalo dahil ipapaalam muna nila ito sa mga pamilya ng mga ito.

Nagtayo na ng mga checkpoints ang mga pulis sa mga lugar na posibleng tahakin ng mga rebelde sa kanilang pag-takas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.