Higit 8,500 medical and health frontliners, officials naturukan ng Sinovac
Umaabot na sa 8,559 na mga indibidwal, karamihan ay mga doctor, nurse at iba pang medical healthcare workers ang naturukan na ng unang dose ng Sinovac.
Ito ang ibinahagi ni Cabinet Sec. Karlo Nograles at aniya ang bilang ay simula noong Lunes, Marso 1 hanggang kahapon, Marso 3.
Naitala ito sa mga piling ospital at pasilidad sa Metro Manila, kabilang ang UP- PGH, Dr. Jose Rodriguez Hospital, Lung Center of the Phils,, Veterans Memorial Medical Center, PNP General Hospital, Pasig City General Hospital, Amang Rodriguez Memorial Hospital, Sta. Ana Hospital.
Nagkaroon na rin ng roll out ng bakunahan sa ilang pribadong ospital sa Metro Manila tulad sa St. Luke’s Medical Center, Dr. Fe del Mundo Hospital, The Medical City, at Cardinal Santos Hospital.
Sa 600,000 Sinovac vaccines na donasyon ng gobyerno ng China, 189,000 ang naipadala na sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Mayroon ng 222, 783 medical and health workers at essential workers ang nasa masterlist ng pamahalaan sa 17 rehiyon sa bansa para mabakunahan sa mga darating na araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.