Pito pang NBA players nagpositibo sa COVID 19

By Jan Escosio March 04, 2021 - 12:57 PM

Inanunsiyo ng pamunuan ng NBA na pito sa 456 players na sumailalim sa COVID 19 test ang nagpositibo sa nakakamatay na sakit.

Hindi naman kinilala ang mga players na taglay ang COVID 19 at kung ano-ano ang kanilang koponan.

Polisiya na ng liga na agad i-isolate o i-quarantine ang sinoman player na magpopositibo sa sakit at makakalabas lang sila kapag nabigyan na ng clearance alinsunod sa health and safety guidelines ng NBA.

Kinakailangan din na ma-quarantine ang lahat ng naging close contacts ng nagpositibong player.

Bago pa ito, hindi natuloy ang laban ng Chicago Bulls at Toronto Raptors dahil kulang sa minimum eight players ang huli matapos hindi paglaruin sina Psacal Siakam, Fred VanVleet, O.G. Anunoby, Malachi Flynn at Patrick McCaw.

Nasa COVID 19 list din sina Marc Gasol ng Los Angeles Lakers, Derrick Rose ng New York Knicks at Jabari Parker at Hassan Whiteside, kapwa ng Sacramento.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.