Record single day COVID 19 death toll naitala sa Brazil
Sa magkasunod na araw, naitala sa Brazil ang ‘record death toll’ dahil sa COVID 19.
Base sa datos ng Fiocruz, isang public health institute, 1,910 ang nadagdag sa bilang ng mga namatay dahil sa naturang sakit.
Bunga ng patuloy na pagdami ng mga bagong kaso, nanganganib nang umabot sa critical level ang public health system ng Brazil.
Ang kabuuang 259,271 namatay dahil sa COVID 19 sa Brazil ang pangalawa sa pinakamataas sa buong mundo, kasunod ng United States.
“For the first time since the pandemic began, we are seeing a deterioration across the entire country,” ayon sa pahayag ng Fiocruz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.