Maria Ozawa, sumakay ng jeep sa Makati

 

Inquirer file photo

Tuwang-tuwa ang Japanese AV actress na si Maria Ozawa nang makasakay ito ng pampasaherong jeepney.

Ipi-nost sa Instagram ni Ozawa ang kanyang karanasan sa pagsakay ng pampublikong sasakyan habang patungo ito sa Makati City.

Makikita sa video ang masayang ngiti ng aktres habang bumibyahe ang jeep.

Mistulang bata pa itong galak-na galak nang kalabitin at iabot ang bayad sa driver sabay sabi ng ‘Bayad po’.

Ayon pa kay Ozawa, isang ‘dream come true’ ang kanyang pagsakay sa jeepney habang nasa Pilipinas.

Si Maria Ozawa ay kasalukuyang nakabase na dito sa Pilipinas makaraang magretiro sa paggawa ng mga porn films.

Dreams do come true…💫 But that bayed po…haha #jeepny #dreamcometrue #lifetimeexperience #myhaynakolifeinthePH

A video posted by Maria.Ozawa (@maria.ozawa) on Apr 6, 2016 at 2:53am PDT

Read more...