Isa pang suspek sa pag-ambush kay ex-Pangasinan Gov. Amado Espino Jr., nabitag

By Jan Escosio March 04, 2021 - 09:03 AM

Apat ng suspek sa pagtatangka sa buhay ni dating Pangasinan Governor Amado Espino Jr., ang nasa kustodiya ng awtoridad.

Kasunod ito nang pagkakahuli sa 45-anyos na si Richard Arambulo, residente ng Barangay Pisuac sa Urbiztondo, Pangasinan.

Natunton si Arambulo sa pinagtataguan niya sa Barangay Ilang sa San Carlos City, Pangasinan.

Nabatid na pang-apat si Arambulo sa most wanted person sa lalawigan.

Noong nakaraang buwan, naaresto sa Barangay Poblacion sina Albert Palisoc, Benjie Resultan at Armando Frias, na pawang kabilang sa top 20 most wanted persons sa Ilocos Region.

Isinasangkot ang apat sa pananambang kay  Espino Jr., noong September 11, 2019 sa Barangay Ilang sa San Carlos City, na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang bodyguards ng dating gobernador.

Nasugatan naman sa insidente si Espino Jr.

Umamin na si Rasultan sa naging bahagi sa krimen at itinuro niya si Pangasinan Provincial Board Member Raul Sison bilang utak sa ambush. Si Sison ay namatay naman dahil sa COVID 19.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.