Pangulong Duterte naisyuhan na ng Philippine Identification Card

MALACAÑANG PHOTO

Natanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang Philippine Identification Card.

Mismong si National Economic and Development Authority Acting Secretary Karl Kendrick Chua ang nag-abot ng national ID card kay Pangulong Duterte sa Malakanyang. Ang Philippine Identification System ID o  Philippine Identification Card ay ang official national identity card para sa  bawat Filipino at permanent foreign residents na nasa Pilipinas. Kasama ng Pangulo na nakakuha ng national ID sina Senador Christopher ‘Bong’ Go at Executive Secretarg Salvador Medialdea.

Read more...