P50-M supplemental budget para sa pension ng mga retiradong pulis at sundalo, inihahanda ng Kamara

Maghahain ng panukala para sa supplemental budget si Appropriations Committee Chairman Eric Yap para tugunan ang kakulangan sa “Pension and Gratuity Fund” ng mga retiradong sundalo at pulis.

Ayon kay Yap, P50 bilyong supplemental budget ang kanyang planong ihain sa Kamara para mabawi naman ang naunang P70 bilyong ibinawas ng dating liderato ng Kamara sa pension and gratuity fund noong 2020 budget.

Nilinaw ni Yap na ang 2021 General Appropriations Act ay binusisi nang mabuti sa bicameral conference committee kasama na ang Ehekutibo at Department of Budget and Management (DBM).

Dagdag na paliwanag pa ng kongresista, ang P20 bilyong ibinawas sa pension ng mga retiradong uniformed personnel ay ‘consensual’ o may pahintulot ng lahat ng sangay ng pamahalaan at ginawa ito para bigyang pondo ang ilang mga programa para tugunan ang COVID-19 pandemic.

Pahayag ito ni Yap, kasunod ito ng alegasyon ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor sa liderato ni Speaker Lord Allan Velasco na tinapyasan ng P20 bilypn ang pondo para sa pensyon ng military at police retirees sa ilalim ng 2021 national budget.

Read more...