Limited face-to-face classes, clerkship programs sa apat na medical schools sa Maynila, aprubado na

Manila PIO photo

Inaprubahan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang limitadong face-to-face classes at clerkship programs para sa kanilang health-related programs ng apat na medical schools.

Ginawa ni Mayor Isko ang desisyon matapos ang pakikipagpulong sa mga kinatawan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) College of Medicine, Metropolitan Medical Center College of Arts and Sciences, Chinese General Hospital Colleges, at Manila Theological College – College of Medicine.

“What is the goal here? To produce doctors, nurses, midwives and all others allowed ng CHED to conduct face-to-face classes,” pahayag ni Mayor Isko.

“If we can produce that next year, then at least we can continue strenghten our medical professionals handling the situation,” dagdag ng Mayor.

Sa proposal ni PLM President Emmanuel Leyco, nais nitong magkaroon ng gradual reopening sa clinical clerkship program sa ng Ospital ng Maynila Medical Center.

Hiniling naman ni Metropolitan Medical Center College of Arts and Sciences Executive Vice President Remedior Habacon, ang gradual reopening sa face-to-face classes at clinical clerkship sa ilalim ng Doctor of Medicine program.

Humihirit naman ang Manila Theological College – College of Medicine na payagan ang 4th year medical students na makapagsagawa ng limitadong
hospital duty sa Tondo Medical Center.

Inaprubahan din ni Mayor Isko ang hirit ng Chinese General Hospital Colleges na ituloy ang hands-on pre-clinical training at clinical rotation sa campus laboratory and hospital para sa mga estudyante na nasa programs of Doctor of Medicine, BS Nursing, BS Medical Technology, BS Radiologic Technology, at BS Physical Therapy.

“If you need testing for your students, we have a good capacity to test para magkaroon ng peace of mind among each others, including your professors,” pahayag ni Mayor Isko.

“Gusto kong akapin ang lahat, we want to be inclusive – whether you’re a private hospital, you are in the City of Manila. Sabi ko nga sainyo, bawat buhay ng doctors, nurses and other allied medical services na nasa frontline is valued,” dagdag ng Mayor.

Matatandaan na noong Pebrero lamang, inaprubahan ni Mayor Isko ang face-to-face classes sa University of Santo Tomas at Centro Escolar University.

Read more...