Palasyo, umaasang magtuluy-tuloy ang vaccination roll out vs COVID-19

By Chona Yu March 03, 2021 - 04:57 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Umaasa ang Palasyo ng Malakanyang na magiging tuloy-tuloy na ang rollout ng vaccination program ng pamahalaan kontra COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay dahil sa may inaasahan pang isang milyong doses ng bakuna ang Pilipinas mula sa Sinovac.

“At least po ang sigurado na rin ay iyong bibilhin na natin sa Tsina na isang milyon ‘no, darating po iyan ng Marso at pagkatapos po niyan parang Marso, Abril, Mayo tag-iisang milyon din tapos aakyat po ang supply ng tig-2 million,” pahayag ni Roque.

Sa ngayon, 600,000 doses ng Sinovac vaccine ang ginagamit na sa mga frontliner.

Miyerkules ng hapon, March 3, inihayag na rin ni Senador Christopher “Bong” Go na darating na sa Huwebes ng gabi, March 4, ang halos kalahating milyong doses ng bakuna ng AstraZeneca.

TAGS: COVID-19 response, COVID-19 vaccination, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, vaccination roll out, COVID-19 response, COVID-19 vaccination, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, vaccination roll out

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.