Magnitude 6.0 na lindol, tumama sa dagat ng Java, Indonesia

 

Mula sa USGS

Niyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang karagatang sakop ng Java, Indonesia Miyerkules ng gabi.

Ayon sa US Geological Survey (USGS) naitala ang episentro ng lindol sa layong 110 kilometro sa timog na bahagi ng Banjar sa West Java, dakong alas 9:45 ng gabi, oras sa Pilipinas.

May lalim ang pagyanig na 35 kilometro.

Gayunman, walang tsunami warning na inilabas ang mga otoridad kaugnay ng lindol.

Wala ring naitatala pang pinsala na idinulot ang pagyanig.

Matatandaang noong December lamang, niyanig din ng magnitude 6.9 na lindol ang Banda Sea na nagdulot ng panic sa mga residente ng isla.

Ang Indonesia ay napapaloob sa tinaguriang ‘Pacific Ring of Fire’ kung saan malimit ang paggalaw ng mga tectonic plates na nagreresulta sa lindol.

Read more...