Ilang bahagi ng Quezon, uulanin

Nakataas ang heavy rainfall warning sa lalawigan ng Quezon

Sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, ito ay bunsod ng umiiral na Northeast Monsoon.

Mararanasan ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay mabigat na pag-ulan sa bahagi ng General Nakar, Infanta, Real, Panukulan, Burdeos at Polilio.

Dahil dito, posibleng makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa mabubundok na lugar.

Inabisuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging maingat at maging alerto sa lagay ng panahon.

Read more...