Grupo ni Gov. Mangudadatu, pinaputukan ng mga sniper

By Kathleen Betina Aenlle April 07, 2016 - 12:21 AM

 

 

Inquirer file photo/AP

Nakaligtas sa pag-atake si Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu, Miyerkules ng umaga sa bayan ng Datu Salibo.

Nakasakay si Mangudadatu sa isa sa apat na airboats nang maganap ang pag-atake malapit sa Barangay Tee, alas onse ng umaga.

Kasama niya ang 40 na iba pa kabilang ang ilang matataas na opisyal ng militar sa rehiyon para tumungo sa flag raising ceremony sa isang paaralan sa Barangay Tee na una nang inokupa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ayon kay Mangudadatu, pawang mga sniper shots ang pinaulan sa kanila, pero sa kabutihang palad ay wala namang ni isa sa kanila ang nasaktan.

Bukod sa flag-raising, tumungo rin sina Mangudadatu doon para sa isang medical mission.

Sa kabila ng pag-atake ay itinuloy pa rin ng gobernador ang kanilang pakay doon para ipakita aniya na hindi sila natatakot sa mga rebelde.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.