KZ Tandingan, napili bilang singer ng kauna-unahang Filipino song ng Disney

Photo credit: @disneyphilippines/Instagram

Inanunsiyo ng Disney Philippines na napili si Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan para kantahin ang kauna-unahang Filipino-language track ng Disney.

Ang bagong kanta ay may titulong “Gabay” mula sa napipintong animated film ng Disney na “Raya and the Last Dragon.”

Hango ang pelikula sa kultura ng Southeast Asian countries.

“I am so grateful to be chosen to sing the first-ever Disney track in Filipino!,” saad ng singer sa kaniyang Instagram post.

Aniya, ilalabas sa Spotify ang bagong kanta sa darating na Biyernes, March 5.

Nakatakda namang mapalabas ang “Raya and the Last Dragon” sa mga sinehan sa Pilipinas sa buwan ng Marso.

Read more...