Pangulong Duterte, hihintayin muna ang EUA ng FDA sa COVID-19 vaccine mula sa Sinopharm bago magpabakuna
Hihintayin muna ni Pangulong Rodrigo Duterte na mailabas ng Food and Drug Administration (FDA) ang ’emergency use authorization’ (EUA) para sa bakuna kontra COVID-19 na gawa ng kompanyang Sinopharm bago magpabakuna.
Pahayag ito ng Palasyo sa gitna ng paninindigan ng legal team ng Malakanyang kung maaaring gawing basehan ng pagpapaturok ng bakuna kontra COVID-19 ng Pangulo ang inisyung ‘special license for compassionate use’ ng FDA sa Sinopharm.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, dahil nag-apply na ng EUA sa FDA ang Sinopharm, ‘moot and academic’ na ang gagawing pag-aaral ng legal team ng Palasyo.
Ayon kay Roque, hihintayin na lamang ni Pangulong Duterte na ilabas ng FDA ang EUA para sa Sinopharm.
Gayunman, sinabi ni FDA director general Undesecretary Eric Domingo na hindi nila kakayaning tapusin ang pag aaral o pagbusisi sa mga data ng Sinopharm sa loob lamang ng tatlong linggo, kundi baka abutin ito aniya ng apat hanggang anim na linggo.
May una na ring pahayag ang Pangulo na maliban sa kaniya at kaniyang pamilya, gusto rin niyang mabakunahan ng Sinopharm ang ilan niyang mga miyembro ng Gabinete.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.