Ilang batang nabubuntis, biktima ng pang-aabuso, pagbubunyag ng POPCOM officials

Bunga ng karahasan o pang-aabuso ang maagang pagiging ina ng ilang bata o kabataan.

Ito ang ibinahagi ni POPCOM Exec. Dir. Juan Antonio Perez III at aniya, ito ay base sa pagsusuri sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagsasabing maaaring sa kabuuang bilang ng mga bata o kabataang nabuntis, 10,000 sa kanila ang biktima ng statutory rape.

Ito, ayon naman kay Sen. Sherwin Gatchalian, ang dahilan kayat kinakailangan nang maitaas ang ‘age of sexual consent’ sa Pilipinas.

Paliwanag niya, kailangang maamyendahan ang batas ukol sa statutory rape para magkaroon ng daan sa paghabol sa mga nang-aabuso ng mga menor de edad.

Isinusulong niya na itaas sa 18 ang ‘age of consent’ sa bansa mula sa 12-anyos, na pinakamababa sa Asya at pangalawang pinakamababa sa buong mundo.

“Sa ating bansa, itinuturing nating age of majority ang edad na 18 ngunit ang age of sexual consent ay edad na 12. Dapat lang na amyendahan na ang batas upang maprotektahan natin ang mga kabataan at panagutin ang mga nang-aabuso sa kanila,” sabi ng senador.

Noong 2019, tumaas ng pitong porsiyento ang bilang ng mga nabubuntis na may edad 10 hanggang 14 sa bansa ayon sa POPCOM.

Read more...