Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang March 2, pumalo na sa 15,023 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 87 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 4,547 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
55 naman ang bagong gumaling kung kaya 9,455 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Tatlo naman ang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,021 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 8,131 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,087 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 875 naman ang kaso sa Americas at 2,930 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.