Uber at Grab pinagkokomento sa fare adjustment hearing sa LTFRB
Ipinagpaliban ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board sa darating na Abril 26 ang pagdinig para sa adjustment sa pasahe sa transport network services, gaya ng Uber, Grab at Uhop.
Sa pagdinig kanina sa LTFRB, ang pagpapaliban sa pagdinig ay para bigyan ng sapat na panahon ang app-based transport services na magsumite ng opposition papers sa balakin ng nabanggit na ahensiya.
Kanina ay sinabi ng kinatawan ng Uber na ang pagdaragdag nila ng units ay isa ng paraan para hindi na sila magtaas pa ng singil sa pasahe.
Pinansin kasi ang pagpapatupad ng price surge ng Uber kapag mas marami ang mga pasahero kesa sa bilang ng available Uber drivers.
Nauna nang sinabi ni LTFRB Board Member Ariel Inton na isang paraan ang fare charging para hindi mapagsamantalahan sa singil sa pasahe ang tumatangkilik sa makabagong paraan ng transport service.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.