BREAKING: Bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, pumalo na sa 580,000
Higit 2,000 muli ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (March 2), umabot na sa 580,442 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 33,610 o 5.8 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,067 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
89.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.8 porsyento ang asymptomatic; 0.85 porsyento ang moderate; 2.2 porsyento ang severe habang 2.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 47 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 12,369o 2.13 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 144 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 534,463 o 92.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.