160 health workers sa Sta. Ana Hospital, nabakunahan na

Photo credit: Mayor Isko Moreno Domagoso/Facebook

Sinimulan na ang vaccination rollout para sa healthcare workers sa Sta. Ana Hospital, araw ng Martes.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, hanggang 11:00 ng umaga sa unang araw nito, umabot na sa 160 healthcare workers ang naturukan ng COVID-19 vaccine sa naturang ospital.

Kabilang dito sina Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, Manila Health Department Director Dr. Poks Pangan, Infectious Disease Specialist Dr. Nerissa Sescon at ang LGU hospital directors.

Photo credit: Mayor Isko Moreno Domagoso/Facebook

Samantala, binisita nina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at MMDA General Manager Jojo Garcia ang vaccination facility sa nasabing ospital.

Inobserbahan ng mga opisyal ang pagbabakuna sa Sta. Ana Hospital kasabay ng muling pagbusisi sa mga pasilidad nito.

Nagpasalamat naman ang alkalde sa healthcare workers sa lungsod para sa kahandaang mabigyan ng bakuna laban sa nakakahawang sakit.

Nagpasalamat din si Moreno sa national government sa ibinibigay na suporta sa lungsod sa gitna ng kinakaharap na pandemya.

Read more...