Pagkakaroon ng face-to-face classes, dapat ng pag-aralan ng DepEd

By Erwin Aguilon March 02, 2021 - 02:31 PM

Kuha ni Richard Garcia

Nais malaman ni Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong mula sa Department of Education (DepEd) kung gaano ka-epektibo ang ipinapatupad na blended learning.

Ayon kay Ong, dapat maglabas ang ulat ang DepEd upang ma-asses ang pagpapatupad nito.

Marami kasi siyang natatanggap na ulat na nahihirapan ang mga magulang sa blended learning.

Pero isa aniya sa pinakamahalaga ay malaman kung natututo ang mga estudyante sa sistemang ginagawang ngayon.

Matapos ito ay maaari na aniyang pag-aralan kung maaari na ang magkakaroon ng unti-unting paglilipat sa face-to-face classes ng low-risk areas.

Maaari aniyang hindi buong klase ang pumasok sa isang araw para masunod pa rin ang physical distancing.

Nangangamba kasi ang mambabatas sa posibilidad na nagpag-iiwanan na ang mga mag-aaral.

Pinuna ng kongresista na napag-iiwanan ang mga taga-probinsya sa ilalim ng blended learning system lalo na sa mga lugar na wala talagang signal o internet.

Bagamat mayroon naman aniyang modular, hindi naman sapat ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa kanilang mga tahanan.

Giit ni Ong, hindi lamang estudyante at magulang ang nahihirapan sa blended learning kundi maging ang mga guro rin.

Gayunman sabi ni Ong, dapat magkaroon ng mass testing sa mga papasok ng face-to-face kabilang ang mga guro.

Maaari aniyang sagutin ng pamahalaan ito para sa public school habang sa mga private schools naman ay mabigyan ng subsidiya.

Maaari aniyang pag-usapan ng local government unit at DepEd ang pagkakaroon ng face-to-face class.

Kapag mataas aniya ang kaso o mayroong mga nagpopositibo ay maari itong ipahinto.

TAGS: 18th congress, blended learning, distance learning, face-to-face classes, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Ronnie Ong, 18th congress, blended learning, distance learning, face-to-face classes, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Ronnie Ong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.