Bilang ng ridership sa apat na rail lines, umabot sa 58.93-M

By Angellic Jordan March 02, 2021 - 01:47 PM

Umabot sa mahigit 58.93 milyon ang bilang ng ridership ng apat na rail lines, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa kagawaran, ito ay simula nang magbalik-operasyon ang mga tren nang isailalim ang National Capital Region (NCR) sa general community quarantine (GCQ) noong June 1.

Sa datos ng DOTr, nasa 58,939,376 ang ridership ng Light Rail Transit Line 1 at 2, Metro Rail Transit Line 3 at Philippine National Railways.

Naitala ang nasabing bilang simula June 1 hanggang February 28.

Narito ang bilang ng ridership sa mga sumusunod na rail lines:
LRT-1 – 27,204,936
LRT-2 – 6,874,824
MRT-3 – 21,259,328
PNR – 3,600,288

Umabot naman sa 24 train sets ang nakakatakbo sa LRT-1 tuwing peak hours, lima sa LRT-2, 23 sa MRT-3 at 10 sa PNR.

Tuloy na ang operasyon ng mga nabanggit na rail lines sa ilalim ng partial, gradual at calibrated approach na may limitadong kapasidad, social distancing at sanitary measures.

TAGS: DOTr operations, Inquirer News, LRT-1 ridership, LRT-2 ridership, MRT-3 ridership, PNR ridership, Radyo Inquirer news, train ridership, DOTr operations, Inquirer News, LRT-1 ridership, LRT-2 ridership, MRT-3 ridership, PNR ridership, Radyo Inquirer news, train ridership

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.